Kaso ng COVID-19 sa Taguig, umabot na ng mahigit 8,900

29

Muling nakapagtala ang City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) ng Taguig City ng 30 bagong kaso ng COVID-19 dahilan para sumampa sa 8,908 ang kabuoang bilang nito ngayong araw.

Mula sa nasabing bilang, 8,773 ang mga gumaling na sa sakit matapos dagdagan ito ng 11 kahapon.


Nasa 65 ang nasawi na dulot ng virus.

Ang natitirang 70 naman na active cases ay patuloy na binabantayan ang kanilang kalusugan habang nananatili sa mga quarantine facility ng lungsod.

Sa mga naitalang mga aktibong kaso ng lungsod, 90% nito ay mga asymptomatic at 10% naman ang nakaranas ng mild symptoms.

Facebook Comments