Bongbong Marcos, hindi kasama sa mga posibleng pumalit kay Sueno sa DILG

Manila, Philippines – Wala na sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Bong-bong Marcos para pumalit sa sinibiak nitong si Secretary Mike Sueno.

Ayon kay Pangulong Duterte sa isang interview kanina matapos ang kanyang pagdalo sa ika 120 anibersaryo ng Philippine Army, sa kanyang palagay ay hindi iiwan ni Marcos ang kanyang apela sa Presidential Electoral Tribunal kung saan kinwestiyon nito ang pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo sa nakaraang halalan.

Paliwanag ng Pangulo, mabibitiwan ni Marcos ang kanyang apela kung tatanggap ito ng posisyon sa gobyerno.


Sa ngayon naman aniya ay sinabi ni Pangulong Duterte na patuloy siyang naghahanap ng talent o ng tao na papalit sa sinibak niyang si Sueno.

Facebook Comments