Pamumuno ni Alvarez sa Kamara, matibay pa rin- kongresista

Manila, Philippines – Nananatili pa ring matatag ang leadership ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa kabila ng pag-amin nito ng pagkakaroon ng girlfriend.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Barbers, matibay pa rin ang pamumuno ni Alvarez sa Kamara.

Hindi naman aniya basta hihina ang suporta dito bilang House Speaker dahil sa pag-amin nito tungkol sa kanyang extra marital affairs.


Hindi rin aniya makakaapekto sa trabaho sa Kamara ang iringan din nila Alvarez at Davao del Norte Rep. Antonio “Tonyboy” Floirendo Jr..

Naniniwala si Barbers na hiwalay ang usapin ng trabaho sa Kamara sa personal na buhay ng Speaker.

Napakababaw aniya ng dahilan kung ito ang magiging dahilan para humina at suporta at mapatalsik na lider ng Kamara si Alvarez.

Bukod dito, ilang beses napatunayan ni Alvarez ang kakayahan bilang Speaker sa daming naipasang mga priority measures ng pamahalaan.

Facebook Comments