BONIFACIO DAY | Iba’t ibang lider, nanguna sa Wreath Laying Ceremony sa Bonifacio Shrine sa QC

Manila, Philippines – Pinangunahan ni QC First District Cong. Bingbong Crosologo ang simpleng pag-alalay ng bulaklak bilang paggunita sa kapanganangakam ni Gat Andres Bonifacio sa Bonifacio Shirine sa Brgy Unang Sigaw EDSA Balintawak QC.

Kasama ni Crisologo ang mga represantate mula sa ibat-ibang barangay, eskwelahan sa lungsod kabilang na ang QC Police District sa pamumuno ni district Dir. Joselito Esquivel.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Crisologo na isang panibagong rebolusyon ang kailangang ilunsad ng lunsod Quezon sa ngayon at ito ay pagpapalaya sa problemang dulot ng impluwensya ng iligal na droga.


Kung si Gat Andres Bonifacio aniya ay naging instrumento para makahulagpos sa kamay ng mananakop na dayuhan mas malupit aniya ang epekto sa mga pilipino ang kadikit na problema kapag ang sumaklob sa mamamayan ay ang salot na shabu.

Dahil ditto, hinikayat ng opisyal ang publiko na makipagtulungan sa Duterte administration para matulad sa pagtatagumpay ng pagkilos noon ng bayaning si bonifacio na nagwagi laban sa mananakop.

Ang sigaw ng Pugad Lawin na naganap sa balintawak noong 1896 ay ang pagpupunit ng cedula ng mga katipunero na naging hudyat ng pagsisimula ng himagsikang pilipino laban sa imperyong kastila na nagresulta sa pagkamit ng kasarinlan ng bansa noong 1898.

Facebook Comments