BONIFACIO DAY | Monumento circle sa Caloocan City, isasara bukas

Manila, Philippines – Sarado bukas sa mga motorista ang Monumento circle sa Caloocan City para bigyang-daan ang aktibidad para sa paggunita ng 154th birth anniversary ni Andres Bonifacio.

Una rito, nagpatupad na ng partial closure sa Samson road hanggang Rizal avenue kaninang alas sais ng umaga.

Bukas (November 30) mula alas 5:00 ng umaga ay sarado na sa daloy ng traffic ang Monumento circle.


Apektado ng road closures ang mga sumusunod:
-Rizal Avenue Extension mula sa 9th Ave;
-Samson Road mula Sangandaan;
-Bahagi Ng EDSA mula B. Serrano;
-Mcarthur Hiway mula Caimito Road;

Dahil sa nasabing closures, nagpa-abiso na ang Valenzuela City government sa mga motorista galing sa lungsod at magtutungo sa Caloocan at Quezon City na humanap ng alternatibong ruta.

Facebook Comments