Bontoc Municipal Capitol, Isasailalim sa Lockdown

33

Cauayan City, Isabela- Isasailalim sa lockdown ang Bontoc Municipal Capitol sa loob ng apat (4) na araw simula bukas, March 5 hanggang sa susunod na lunes, March 8, 2021.

Ito ang ipinag-utos ni Bontoc Mayor Franklin Odsey matapos magpalabas ng Memorandum Order 96-2021.


Nakasaad sa kautusan na kakailanganing magsagawa ng disinfection sa buong bisinadad ng munisipyo matapos maitala ang isang empleyado na nagpositibo sa COVID-19, ayon sa report ng Epidemiology and Surveillance Unit ng Provincial Health Office.

Bahagi ng kautusan ang masigurong ligtas ang publiko at makapagsagawa agad ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng nagpositibong empleyado.

Inabisuhan ng alkalde ang mga taong posibleng nakasalamuha ng pasyente na sumailalim sa 14-day self-quarantine para masigurong hindi na makapanghahawa pa ng iba.

Facebook Comments