Supporter ng NPA, Natimbog sa Operasyon ng Pulisya

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga otoridad ang hinihinalang supporter ng NPA sa bayan ng Mallig matapos isilbi ang search warrant sa kanyang bahay kaninang umaga.

Nakilala ang suspek na si Sotero Sumalbag Jr., 69-anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Barangay Maligaya, Mallig, Isabela.

Dinakip si Sumalbag ng pinagsanib na pwersa ng PNP Mallig, PIU Isabela PPO at 1st Isabela Provincial Mobile Force Company.


Nakumpiska sa pag-iingat nito ang ilang klase ng bala ng shotgun, caliber 5.56 at caliber 38 gayundin ang baril na walang serial number, isang carbine may may serial number 1717515.

Nakuha rin sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng pinatuyong dahon ng Marijuana.

Nabatid na ang nahuling suspek ay binibigyan umano ng mga baril upang magsagawa ng seguridad kung saan inoorganisa ang tinawag na “Timpuyog Dagiti Marigrigat a Residente ti Villa Corazon”.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms) at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments