BONUAN BOQUIG NATIONAL HIGH SCHOOL, 1ST PLACE SA T4 WORLD’S BEST SCHOOL PRIZES; ENVIRONMENTAL ACTION CATEGORY

Nasungkit ng Bonuan Boquig National High School ang 1st place sa ginanap na T4 World’s Best School Prizes sa kategoryang Environmental Action, isang International School Competition.
Inapply ng eskwelahan ang kanilang proyektong pagtatanim ng Mangroves o bakawan sa nasabing kompetisyon at nakapasok sa top three.
Matagal ng proyekto ito ng eskwelahan na nag-umpisa noon pang 2010 at itinuloy ng sumunod na punong guro ng nasabing eskwelahan.

Mahigit dalawampung libong Mangroves na ang naitanim sa Bakawan River ng eskwelahan at napapakinabangan ng komunidad at ito ay sa buong tulong ng mga guro at estudyante ng paaralan.
Nagbigay naman ng pasasalamat at congratulatory ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City at present din sa awarding ang iba’t ibang kawani at ahensya sa Region 1 na sumuporta sa nasabing proyekto.
Malaking karangalan ang naibigay ng pagkapanalo ng BBNHS hindi lamang sa lungsod ng Dagupan kundi na pati na rin sa buong Pilipinas.
50,000 dollars ang cash prize na napanalunan ng proyekto at pinaplano na ang mga susunod na proyektong paggagamitan nito. |ifmnews
Facebook Comments