PROVINCIAL GOVERNMENT NG LA UNION MAGBIBIGAY NG DALAWANG ARAW NA MENSTRUATION PRIVILEGE

Pinirmahan na ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang Executive Order No. 25 s. 2022 o ang tinatawag na Menstruation Privilege para sa mga kababaihan na nagtatrabaho sa probinsiya.
Sa ilalim ng EO, mayroon nang two-day per month ang mga babaeng empleyado ng Provincial Government na maaaring magtrabaho sa bahay o work from home arrangement.
Ayon sa gobernadora, sa pamamagitan ng EO ay sana ay magkaroon ng awareness at maging mabait sa mga kababaihan sa kanilang period days.

Dagdag pa niya, isa umano ito sa pakikinig ng administrasyon sa lahat ng mga hinaing ng empletyado sa probinsiya.
Magbibigay din ang PGLU ng menstrual kits sa kada opisina sa lalawigan. | ifmnews
Facebook Comments