Bonus ng mga Empleyado ng LGU Cauayan City, Matatanggap Na!

Cauayan City, Isabela- Matatanggap na ng mga empleyado ng LGU Cauayan City ang kanilang christmas bonus at incentives ngayong Linggo.

Sa naging pahayag ni Mayor Bernard Dy sa RMN Cauayan, ang karagdagang P15,000 na bonus ng mga empleyado ng City Government ng Cauayan ay kanilang matatanggap hanggang sa araw ng Sabado, December 15,2018.

Paliwanag ni Mayor Dy na ang sampung libong piso ay mula sa Program on Award Incentive for Service Excellent o PRAISE habang ang limang libong piso naman ay cash bonus.


Maari ding makatanggap ng parehong halaga ang mga casual employee ng City Government dahil nais rin nitong maging masaya ang pasko at pagsalubong sa bagong taon ng mga empleyado.

Matatandaan na nitong nakaraang Linggo ay una nang inanunsyo ng alkalde ang pagtanggap ng limang libong piso ng mga empleyado na mula sa kanilang Performance Enhancement Incentive (PEI).

Nararapat lamang anya na makatanggap ng bonus ang mga empleyado dahil narin sa mga nakuhang awards ng Lungsod ngayong taon.

Facebook Comments