Daang libo katao nagpakita ng pagsuporta sa BOL

Tinatayang humigit kumulang sa 150,000 katao mula sa ibat ibang bahagi ng Mindanao ang lumahok sa Peace Rally sa Compound ng ORG ARMM sa Cotabato City.
Layun ng pagtitipon ay upang ipakita ang malawakang pagsuporta sa Bangsamoro Organic Law kasabay ng papalapit na plebisito.
Kabilang sa mga nanguna sa aktibidad ang mismong Chairman ng Moro Islamic Liberation Front Al Haj Murad Ebrahim, mga opisyales mula OPAPP, MNLF at maging si ARMM Governor Mujiv Hataman.
Hindi naman maisalarawan ang nararamdaman ng mga dumalong di mahulugang karayom na mga grupo magmula sa Bangsamoro Kristyano at Lumad.
Kaugnay nito, nag- iisa lamang ang sigaw ng mga lumahok sa aktibidad, walang iba kundi makiisa na paburan ang BOL para na rin sa pangmatagalang Kapayapaan at Kaunlaran sa papasok na Bangsamoro Region.
BPI ARMM PIC

Facebook Comments