MANILA – Balak ng Administrasyong Duterte na lagyan ng limitasyon ang malalaking bonus na natatanggap ng mga opisyal ng mga Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC).Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, napag-usapan ito sa unang cabinet meeting noong Lunes.Bukod sa bonus, plano rin baguhin ang tinatawag na honorarium na natatanggap na insentibo ng mga board members tuwing dumadalo ng pulong na dalawang beses ginagawa sa isang buwan.Ayon kay Pernia, umaabot sa P40,000 ang honorarium kada meeting.Dahil dito, lilimitahan na rin ang pulong ng mga board members ng GOCC.Aniya, mismong si Pangulong Duterte ang mag-aanunsyo ng ipapatupad na pagbabago sa GOCC kasama na ang Social Security System o SSS sa mga susunod na araw.
Bonus Ng Mga Opisyal Ng Gocc’S – Balak Lagyan Ng Limitasyon Ni P-Duterte
Facebook Comments