Manila, Philippines – Natanggap na ngayong araw ng mahigit 190 uniformed at non- uniformed Philippine National Police (PNP) ang kanilang year-end bonus.
Ito ay matapos na ipadala na ng PNP Finance Service ang mahigit 4.4 bilyong piso sa mga ATM payroll accounts ng lahat ng PNP Personnel sa Land Bank of the Philippines.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, ang year-end bonus ay equivalent ng isang buwang basic salary at dagdag na limang libo bilang cash gift mula sa National Government.
Pero bad news sa mga pulis na nahaharap sa kasong administratibo at kriminal dahil hindi sila makakatangap ng kanilang year-end bonus.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang ipinatutupad na disciplinary policy.
Facebook Comments