BOODLE FIGHT, TAMPOK SA MANGUNGUNA FESTIVAL SA BOLINAO

Nakaugat na sa kultura ng mga Pilipino ang sabayang pagkain tuwing may pagdiriwang.

Ito ang naging inspirasyon sa isinagawang “Pidudungo” sa bayan ng Bolinao bilang bahagi ng Mangunguna Festival 2025 noong Abril 26.

Ang Pidudungo ay salitang Bolinao na nangangahulugang “boodle fight” sa Ingles.

Taong 2004 nang magsimula ang ganitong klase ng aktibidad sa bayan na Salo-salong kumain sa mahahabang mesa ang mga residente at bisita.

Tampok dito ang seafoods at local delicacies ng bayan na pinagsaluhan ng lahat.

Ang Pidudungo ay selebrasyon din ng masaganang ani sa sektor ng agrikultura ng bayan, lalo na ang mga huling yamang dagat na bunga ng pagsisikap ng mga mangingisda sa Bolinao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments