Booklet na requirement para mabigyan ng diskwento ang senior citizens, ipinatatanggal na ng isang kongresista

Iminungkahi ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na alisin na ang booklet bilang requirement para makapag-avail ang senior citizens ng 20 percent discount sa kanilang mga binibili.

Sa pagdinig ng Committee of Ways and Means, na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda ay iginiit ni Tulfo, ‘useless’ o walang silbi ang nasabing booklet na karagdagang pasanin lang para sa mga lolo at lola.

Sinabi ni Tulfo na dahil matatanda na ay madalas makalimutan ng mga senior citizen ang kanilang booklet kaya’t hindi na rin nila ma-avail ang ibinibigay na discount ng business establishments kahit makiusap sila.


Sinang-ayunan ni United Senior Citizens Party-list Rep. Milagros Aquino-Magsaysay at Congressman Salceda ang mungkahi ni Tulfo.

Samantala, sinuportahan naman ni Tulfo ang mungkahi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na suriin at gumawa ng bagong patakaran para sa senior citizen discount hinggil sa online delivery service at ride-hailing application.

Facebook Comments