MOU sa pagtatayo ng economic zones sa BuCor, pormal nang nilagdaan

Pormal nang lumagda ang Bureau of Corrections (BuCor) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng memorandum of understanding (MOU) para matukoy ang mga industriya na puwedeng itayo sa mga bakanteng lupain ng BuCor.

Target na mapagtayuan ng kauna-unahang mega economic zone sa bansa ang Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.

Kabilang sa mga industriya na prayoridad na itayo sa mega economic zone ay mga renewable at clean energy gaya ng solar at wind energy, agro-processing at manufacturing.


Kumpiyansa ang PEZA at Justice Department na makatutulong ang economic zones sa BuCor para makahikayat ng mga lokal at dayuhang investor, bukod sa maglilikha ito ng maraming trabaho para sa mga Pilipino kasama na ang PDLs.

Facebook Comments