Lumabas sa pag-aaral na mas mataas ang proteksyon ng Moderna booster shot laban sa Omicron variant.
Ayon sa pag-aaral ng Moderna Incorporation, ito ay dahil sa ang pagtaas ng lebel ng antibodies matapos iturok ang kalahating dose ng booster shot sa fully vaccinated na indibidwal.
Tinatayang nasa 37 beses na nakapagpapataas ng antibodies ang 50-microgram booster dose ng Moderna habang mas mataas naman ng walumpu’t talong beses ang 100-microgram booster dose nito.
Bagama’t may mga adverse effect ay tiniyak ng Moderna na ligtas iturok ang 100-microgram Moderna booster.
Sa ngayon, kalahating dose ng booster shot pa lang ng Moderna vaccine ang aprubado ng U.S Regulators.
Facebook Comments