Booster Shot ng mga Kabataang Edad 12-17, Sinimulan na sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Sinimulan na ngayong araw, July 8, 2022 ang pagtuturok sa mga kabataan edad 12-17 para sa kanilang 1st booster shot ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Ayon kay Melody Natividad, National Immunization Coordinator ng Cagayan, ang mga kwalipikadong makakatanggap ng booster shot ay dapat may limang buwan na pagitan matapos ang kanilang huling turok ng bakuna.

Ang mga nabanggit na age group ay tuturukan ng Pfizer brand ng COVID-19 vaccine.

Payo ni Natividad, magtungo lamang sa mga health center para makapagpatala ng kanilang vaccination.

Nilinaw rin ni Natividad na ang mga may ibang karamdaman o sakit ay kinakailangan magtungo sa mga umano na District Hospital para sa kanilang pagbabakuna.

Habang ang mga walang sakit ay pwedeng magtungo sa mga Rural Health Units ng kanilang mga bayan.

Samantala, maliban sa Provincial Health Office (PHO) ay patuloy pa rin na tumatanggap ang mga District Hospital at Rural Health Units o sa mga health centers sa Cagayan para sa 1st booster shot ng lahat ng nasa adult categories.

Bukod dito ay pwede na rin ang 2nd booster shots ng mga adults, medical frontliners at mga senior citizens na may malalang sakit.

Facebook Comments