Booster shot para sa edad 5 hanggang 11 anyos, ilulunsad mamaya sa Pasay City

93

Maglulunsad ang Lokal na pamahalaan ng Pasay ng sabayang pagbabakuna sa palengke bilang bahagi ng PinasLakas campaign laban sa COVID-19.

Ikakasa ang booster vaccination sa Pasay Public Market at V. Cruz Street sa Barangay 170 bukas, August 30, araw ng Martes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Bukas ang first booster dose para sa lahat ng kategorya maliban sa 5 to 11 anyos na first at second dose ng primary series pa lang ang itinuturok.


Ang second booster naman ay para sa health workers, senior citizens, persons with comorbidity at adult population na 50 years old pataas.

Samantala, sinuspinde naman ang operasyon ng lahat ng vaccination sites sa lungsod kahapon bilang paggunita sa National Heroes’ Day na isang regular holiday.

Facebook Comments