Rider na tumakas sa checkpoint, nahulihan ng suspected shabu sa Quezon City

Arestado ang isang rider na tumakas sa inalatag na checkpoint sa Payatas Road., Brgy. Payatas B, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Kristian Mark Cajala, 38 y/o residente ng Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal.

Ayon kay QCPD Director, PBGen. Nicolas D Torre III, alas-9:00 ng gabi ng mapadaan ang suspek sa checkpoint.


Imbis na huminto para sa beripikasyon, nagawa pang tumakas ng suspek pero naabutan din ito agad.

Dito na nalaman na may dala palang shabu na nagkakahalaga ng ₱204,000 ang rider.

Dahil dito, kakasuhan ng paglabag sa R.A. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong rider.

Facebook Comments