Mataas ang proteksiyong ibinibigay ng ikatlong dose o booster shot ng COVID-19 vaccine ng Moderna at Pfizer laban sa mas nakakahawang Omicron variant.
Lumalabas sa pag-aaral ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDCP), umaabot sa 90 percent ang efficacy rate ng booster dose ng mga naturang brand upang maiwasang tamaan ng malalang sintomas ng COVID-19 dulot ng omicron.
Sa ngayon, nasa mahigit 57 milyong pilipinong naturukan na ng primary series ng COVID-19 vaccine kung saan mahigit 6.2 milyon pa lamang ang nabakunahan ng booster shot.
Samantala, lumalabas naman sa isang pag-aaral sa japan na mas matagal mamuhay ang Omicron variant sa mga plastic surfaces at balat ng tao kumpara sa mga nakaraang variant ng COVID-19.
Ayon sa mga ekpserto, tumatagal ng 193.5 oras o mahigit walong araw ang omicron sa plastic habang 21.1 oras o halos isang araw naman sa balat ng tao.