Booster vaccine trial kontra sa Beta variant ng COVID-19, sinimulan na ng AstraZeneca

Sinimulan na ng AstraZeneca at University of Oxford ang panibagong trial sa bakunang kokontra sa Beta variant na unang nadiskubre sa South Africa.

Aabot sa 2,250 indibidwal mula sa Britain, South Africa, Brazil at Poland ang sumali sa nasabing ‘booster’ vaccine trial.

Kasama sa mga ito ang mga fully vaccinated ng AstraZeneca o ng mRNA vaccine na Pfizer at ang mga hindi pa nababakunahan.


Posibleng malaman ang resulta ng clinical trial bago matapos ang 2021.

Facebook Comments