Karagdagang 1-M doses ng Sinovac vaccines, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang isang milyong dose ng Sinovac vaccines.

Alas-7:30 kaninang umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong may dala sa mga bakunang binili ng Pilipinas sa China.

Sa kabuuan, aabot na sa 12 million doses ng Sinovac vaccines ang natanggap ng bansa.


Una nang dumating kagabi ang 249,600 doses ng Moderna vaccines.

Sa kabuuan, nasa 17,455,470 doses na ng iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa.

Hanggang nitong June 20, aabot na sa 8,407,342 ang naturukan sa buong bansa.

6,253,400 dito ang nakatanggap na ng unang dose habang 2,153,942 na ang fully vaccinated.

Facebook Comments