BOQ, naka-heightened alert na laban sa COVID-19 FLiRT variant

Naka-heightened alert na ang Bureau of Quarantine (BOQ) laban sa COVID-19 FLiRT variant na kasalukuyang kumkakalat sa Singapore at iba pang mga bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo na nagpalabas ng memorandum ang Department of Health (DOH) upang paigtingin ang pagbabantay sa quarantine ng lahat ng point of entry sa bansa.

Sa memorandum no. 2024-48, inaatasan ang lahat ng BOQ stations sa buong bansa na magsagawa ng mahigpit na screening sa mga point of entry para sa arriving visitors mula sa mga bansang may naitalang COVID FLiRT variant.


Hinihikayat din ang publiko na sundin ang pangunahing health measures tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagsunod sa coughing etiquette, pag-iwas sa mga matataong lugar, at pag-iwas sa mga taong may flu-like symptoms.

Pinapayuhan din ang travelers na kumpletuhin ang health questionnaire na available sa kanilang e-travel application.

Gayunpaman, sinabi ni Domingo na hindi ito dahilan upang maalarma ang publiko, dahil bahagi lamang ito ng kanilang pagmamatyag sa pagpasok ng mga variant ng COVID-19 na KP2 at KP3, na kabilang sa FLiRT COVID-19 variants.

Facebook Comments