Pagsasailalim sa Red at Yellow Alert Status ng Luzon Grid, pinalawig pa ng NGCP

Pinalawig pa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red Alert at Yellow Alert status sa Luzon grid ngayong araw.

Sa isang advisory, pinalawig pa ang Red Alert status simula 1 PM hanggang 5 PM.

Habang ang Yellow Alert status naman ay extended simula 12 NN hanggang 1 PM, at muling ipatutupad simula 5 PM hanggang 6 PM, at 6 PM hanggang 10 PM.


Ayon sa NGCP, ang pagpapalawig na ito ay dahil sa pagnipis ng supply ng kuryente ng ilang power plants gaya ng Sual 1, Sual 2, at Magat Hydro, at pagtaas ng demand.

Posibleng magpatupad ng Manual Load Dropping (MLD) o rotational brownout ang NGCP sa ilang bahagi ng Pangasinan, Camarines Sur, Batangas, Quezon at sa ilang franchise area ng Meralco mula alas-2 PM hanggang alas-3 PM ng hapon.

Ang Manual Load Dropping ay posibleng ipatupad upang mapanatili ang integridad ng power system dahil sa patuloy na Red Alert sa Luzon Grid. Gayunpaman, maaari itong makansela kung bumuti ang sitwasyon ng kuryente sa bansa.

Facebook Comments