Boracay at El Nido, Palawan, pasok sa best beaches sa Asya

Itinuturing pa rin na isa sa best beaches sa Asya ang Boracay.

Base sa travel website na Tripadvisor’s 2019 Traveler’s Choice Awards, ang Boracay ay nasa ika-siyam na pwesto mula sa 25 beach sa Asya.

Kinikilala pa rin ang Boracay dahil sa mapuputing buhangin nito at nakakamanghang sunset.


Nakatanggap ang Boracay ng higit anim na libong review na may 62% excellent rating at 24% very good rating, pinupuri rin ang matagumpay na rehabilitasyon nito.

Bukod dito, pasok din sa Most Popular Beach ang Nacpan at Las Cabanas Beach ng El Nido, Palawan na nasa ika-13 at ika-22 pwesto.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat – nakatatanggap ng positibong reaksyon ang Boracay at El Nido dahil sa mga reporma at bagong polisyang ipinatutupad para sa pagsusulong ng sustainable tourism.

Ang Tripadvisor’s 2019 Traveler’ Choice Awards ay nira-ranggo ang mga beaches, destinations at attractions base sa milyu-milyong reviews at opinions ng mga manlalakbay.

Facebook Comments