QC at Valenzuela City, pansamantalang mawawalan ng water supply

76

Pansalamantalang mawawalan ng tubig ang ilang barangay sa Quezon City at Valenzuela City Simula mamayang gabi.

Sa abiso ng Maynilad, pansamantalang isasara ang dalawang pumping station dahil sa maintenance at paglalagay ng bagong tubo.

Apektado nito ang mga barangay sa Quezon City kabilang na ang mga sumusunod: Bagbag; Silangan; Greater Fairview; Gulod; Holy Spirit; Nagkaisang Nayon; North Fairview; San Bartolome; Sta. Lucia; Sta. Monica; Sauyo at Talipapa.

Sa mga barangay naman sa Valenzuela ito ay ang: Ugong; Hobart Phase 1 at 2 at Doña Marciana Subdivision.

Epektibo ito mamayang alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Miyerkules (March 6).

Maliban ito, ilang barangay sa Quezon City ang mawawalan ng supply ng tubig mamayang alas-10:00 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi ng Huwebes (March 7).

Kabilang na rito ang: Barangay Batasan Hills, Barangay Commonwealth at Barangay Payatas.

Facebook Comments