Boracay, balak na gawing Hollywood destination ng Tourism Promotions Board

85

Manila, Philippines – Balak ngayon ng Tourism Promotions Board (TPB) na gawing Hollywood destination ang isla ng Boracay.

Ayon kay TPB Chief Operating Officer Cesar Montano – hihikayatin nila ang ilang mga beteranong Hollywood directors at producers na gumawa ng pelikula dito sa Pilipinas na malaking tulong para mai-promote ang turismo sa bansa.

Aminado naman si Montano na nakaapekto sa turismo ng bansa ang gulong hatid ng Abu Sayyaf Group partikular sa Bohol, Cebu at Davao.

Samantala, arestado matapos na masugatan sa engkwentro ang isang hinihinalang asg member sa Bohol.

Kinilala ito sa alyas ‘Abu Saad.’

DZXL558

Facebook Comments