P400-libong halaga ng Nokia 3310 – nasabat ng BOC sa NAIA

51

Manila, Philippines – Nasa 400-libong pisong halaga ng mga mobile phone at chargers ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa NAIA-terminal 2.

Kinilala ni Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno, head ng BOC Enforcement Group ang transporter na si Chen Haibi na mula pa sa Guangzhou, China.

Aniya, bigo mai-deklara ng suspek ang importation nito at wala ring naipakitang import permit mula sa national telecommunications commission.

Kabilang sa nakumpiska ng BOC ang nasa 100 piraso ng Nokia 3310 at mga charger nito.

DZXL558

Facebook Comments