BORACAY CLOSURE | Senator Ejercito at Angara, umaasang mabibigyang atensyon ang iba pang tourist destination sa bansa

Manila, Philippines – Umapela sina Senators JV Ejercito at Sonny Angara sa pamahalaan na pangunahan ang promosyon ng iba pang tourist destinations sa bansa.

Ayon kina Ejericito at Angara, ito ay upang matiyak na hindi rin mananamlay ang kondisyon ng ating turismo habang anim na buwang sarado ang Boracay at isinasailalim sa rehabilitasyon.

Diin ni Ejercito, dapat maglunsad ng malawakang promotional campaign ang Department of Tourism at mga private stakeholders sa sektor ng turismo para matutukan din ang iba pang tourist destinations.


Kabilang naman sa tinukoy ni Angara na mga mahihirap na lalawigan pero maipagmamalaki sa mga turista ang Sorsogon, Leyte, Negros Oriental, Zamboanga, Catanduanes at Siquijor.

Bilang isa sa mga awtor ng Tourism Act of the Philippines, ay binigyang-diin ni Angara na dapat asikasuhing mabuti ng gobyerno ang turismo dahil nakapagbibigay ito trabaho at nagpapalusog sa ating ekonomiya at kabuhayan sa lokalidad.

Facebook Comments