Boracay, dinagsa ng mga turista mula Metro Manila

36

Dinagsa nitong holiday season ng libu-libong turista mula Metro Manila ang Boracay Island.

Sa datos ng Malay, Aklan Municipal Tourism Office, aabot sa 19,164 tourist arrivals ang kanilang naitala mula December 1 hanggang January 10.


Nasa 75.8% nito o 14,520 arrivals ay mula sa National Capital Region (NCR).

Mataas ang narecord nilang arrivals simula December 23 hanggang January 2.

Ang mga sikat na personalidad tulad ni Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Sarah Lahbati, Richard Gutierrez, modelong si Kelsey Merritt at iba pa ay namataang ipinagdiriwang ang holidays sa Boracay.

Ayon kay Malay Acting Mayor Floribar Bautista, aabot sa 19 na turista mula Metro Manila ang inaresto dahil sa pagpapakita ng pekeng RT-PCR test results na pangunahing requirement.




Sa datos naman ng Deparment of Tourism (DOT) Western Visayas, mayroong 646 accomodation establishments sa Boracay ang binigyan ng Certificate of Authority to Operate (CAO).

Facebook Comments