Boracay Inter-Agency Task Force, itatatag; mga hotels na lalabag sa protocols, ipasasara! – DOT

Itatatag ng pamahalaan ang ‘Boracay Inter-Agency Task Force’ upang tutukan ang pagdagsa ng mga bakasyunista sa isla.

Ito ay matapos lumagpas ang bilang ng mga turista ng Boracay sa carrying capacity nito sa nagdaang Holy Week.

Ayon kay Tourism Secretay Bernadette Romulo-Puyat, bago pa ang pandemya ay hanggang 19,000 lamang ang papayagan sa Boracay ngunit sumipa ito sa 22,000 nitong Semana Santa.


Aniya, nakababahala ito lalo na’t may mga bakasyunista rin na hindi na sumusunod sa mga health protocols.

Bukod dito ay binalaan din ni Puyat ang mga hotel na hindi susunod sa mga itinakdang guidelines ng Department of Tourism (DOT).

Paaalala ng kalihim na kung mapatunayang may paglabag ang mga hotel at resort ay posible itong mapasara at hindi na makapag-operate pa.

Facebook Comments