BORACAY REHABILITATION | Labing apat na barangay sa Malay, Aklan, isinailalim na sa state of calamity

Aklan – Isinailalim na ngayon sa state of calamity ang labing apat na barangay sa Malay, Aklan.

Dahil ito sa epekto ng ipinatupad na anim na buwang pagpapasara ng Boracay na ideneklara noong April 26.

Ang deklarasyon ay batay sa endorsement mula sa municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Malay at resolusyon ng mga barangay.


Nauna nang idineklara ni Pangulong Duterte ang state of calamity sa tatlong barangay sa isla na kinabibilangan ng Yapak, Manoc-Manoc at Balabag dahil sa ginagawang rehabilitasyon.

Facebook Comments