BORACAY REHABILITATION | Task Force Boracay, nangangailangan ng 1.36 billion pesos

Aklan – Nangangailangan ang Task Force Boracay ng 1.36 billion pesos na pondo para sa pagpapatupad ng anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, ang pondo ay ibibigay sa mga ahensya ng gobyerno na nakatuon sa rehabilitasyon.

Una nang naglabas ang DBM ng 490 million pesos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagsasaayos ng mga kalsada sa isla.


Ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ay gumastos ng walo hanggang sampung milyong piso mula sa kanilang budget para sa rehabilitasyon ng wastewater management system.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay naglaan ng 448 million pesos para sa assistance program para sa halos 20,000 apektadong residente at manggagawa.

Facebook Comments