Thursday, April 30, 2026

Impeachment, ginagamit na armas sa pamumulitika —Rep. Paolo Duterte

Hindi na ikinasurpresa ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang pag-usad ng impeachment proceedings laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.

Malinaw para kay Rep. Pulong na ginagamit talaga ang impeachment na armas sa pamumulitika sa halip na isulong ang pagiging patas at hustisya.

Paalala ni Congressman Duterte sa 54 na miyembro ng House Justice Committee na bomoto pabor sa impeachment, pansamantala lang ang political power nila ngayon pero mananatili ang pananagutan nila sa mamamayang Pilipino.

Pinuri naman ni Duterte si Quezon City Rep. Bong Suntay na kaisa-isang nanindigan kontra sa pag-usad ng impeachment complaint laban kay VP sara.

Ayon kay Duterte, nagpakita ng tapang, paninindigan at integridad si Suntay na hindi nagpadaig sa pressure kahit ma-isa lang sya.

Kasabay nito ay kinumusta naman Duterte ang mga dapat imbestigahan sa Kongreso at administrasyon na sangkot sa trilyong pisong flood control corruption lalo na ang mga tumanggap ng male-maletang pera mula sa kaban ng bayan

Facebook Comments