Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE)
na aabot sa halos 60,000 trabaho ang naghihintay sa mga ma-a-apektuhan ng
temporary closure ng Boracay Island.
Ayon kay Labor Secretary Silvestra Bello III – ilang mga kumpanya na ang
nagsabi na handa silang kumuha ng mga tauhan na maaapektuhan ng Boracay
closure.
Kabilang sa kumpanyang ito ang EEI Corporation na kabahagi ng Build, Build,
Build Program ng pamahalaan.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DOLE sa Department Of Social Welfare and
Development (DSWD) para sa pagbuo ng emergency employment sa mga
pansamantalang mawawalan ng trabaho.
Samantala, tiniyak naman ng Malacañang na magkakaroon ng patas na desisyon
si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa magiging kahihinatnan ng isla ng
Boracay.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikokonsidera ng Pangulo ang
kapakanan ng mga maliliit na negosyo at kanilang manggagawa na maaaring
maapektuhan ng nakaambang temporary closure ng isla.
Matatandaang nagsabi rin si Duterte na magdedeklara ng state of calamity sa
Boracay matapos ilarawang ‘Cesspool’ ang isla dahil sa problema nito sa
Sewerage System.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>