BORACAY TEMPORARY CLOSURE | Mga manggagawa sa Boracay, dudulog sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Dudulog mamayang hapon sa Korte Suprema ang mga manggagawa sa Boracay na maaapektuhan ng pagsasara ng nasabing beach island.

Sila ay maghahain sa Supreme Court ng petition for prohibition and mandamus with prayer for temporary restraining order, preliminary injunction, and/or status quo ante order.

Layon nito na pigilan ang plano ng Pangulong Duterte na pagbawalang makapasok sa Boracay Island, Malay, Aklan ang mga turista at residente doon.


Ang Boracay workers ay sasamahan sa Korte Suprema ng National Union of Peoples’ Lawyers – Panay.

Facebook Comments