Border security sa mga pantalan, pinaigting

Mas lalo pang pinaigting ang border security sa mga pantalan sa bansa.

Ito ay kasunod n arin ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago na nagpakalat na sila ng mga marshall sa pantalan maging sa mga vessel upang tiyaking nasusunod ang isang metrong distansya.


Mahigpit ding ipinatutupad ang 70% capacity.

Siniguro rin ng kanilang mga marshall na nasusunod ang 7 commandments sa bawat biyahe tulad ng pagsusuot ng face mask, pagbabawal sa pag-uusap, pagkain, pagkakaroon ng sapat na bentilasyon, palagiang disinfection, hindi pagsasakay ng mga pasaherong mayroong sintomas at pagsunod sa physical distancing.

Pinatitiyak din ng PPA sa mga biyahero na dala-dala nila ang requirements ng pupuntahan nilang mga Local Government Unit.

Facebook Comments