Mga indibidwal na hindi maaaring bakunahan dahil sa kanilang medical condition, exempted sa “No Vax, No Labas” Policy

385

Binigyang-diin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na exempted sa “No Vax, No Labas” Policy ang mga indibidwal na hindi maaaring magpabakuna dahil sa kanilang medical condition.

Ayon kay Abalos, nasa 100,000 hanggang 250,000 indibidwal pa ang hindi bakunado kontra COVID-19 sa Metro Manila kung saan ilan dito ay hindi talaga nagpabakuna dahil sa kondisyon ng kanilang kalusugan.

Kahapon ay nagdesisyon ang Metro Manila Council na pagbawalang lumabas ang mga hindi bakunado maliban lamang kung para sa essential goods and services.


Napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na magpatibay ng isang ordinansa ukol dito.

Facebook Comments