BORDERLINE CHECKPOINTS HIHIGPITAN SA HULING ARAW NG ECQ SA PANGASINAN

Sa transition period mula Enhanced Community quarantine (ECQ) patungong General community quarantine (GCQ) ng probinsya sa darating na May 16 ay mas lalo umanong papaigtingin ng pulisya ang pagbabantay sa mga border checkpoints sa buong lalawigan.
Ayon kay PCol. Redrico Maranan ang Police Provincial Director ng Pangasinan na sa huling araw ng ECQ ay tuloy din sila sa pagbabantay sa borderline at sa mga bayan at siyudad sa buong lalawigan hanggang sa maibaba ang bagong guidelines ng GCQ para maipatupad.

Dagdag pa nito na tuloy din ang paghulinsa mga hindi nagsusuot ng facemask at sa mga taong pagala gala sa labas. Nakiusap naman ito sa publiko na gawin at sundin ang new normal na matatawag sapagkat mainam na ang ligtas sa panahong may pandemic.

Facebook Comments