Boston Celtics, panalo sa Game 1 ng NBA Finals 2022 kontra sa Golden State Warriors

78
Photo Courtesy: NBA

Panalo ang Boston Celtics sa NBA Finals 2022 kontra sa Golden State Warriors kanina sa score na 120-108.

Dinala ng betiranong player ng Celtics na si Al Horford ang kanyang team, para masungkit ang unang panalo sa Game 1 ng best of 7 na serye sa NBA Finals.

Nagtala si Horford ng 26 points, 3 assist at 6 rebounds sa loob ng 33 minutes nitong paglalaro sa loob ng court.


Katulong din ni Horford sina Eastern Conference Finals MVP Jayson Tatum na nagtala ng 12 points, 13 assist, 5 rebounds at Jayson Brown na may 24 points, 5 assist at 7 rebounds dahilan upang makuha ang unang panalo kontra sa Golden State Warriors na kupunan ni Western Conference Finals MVP Stephen Curry.

Facebook Comments