Independence Day Hybrid Job Fair, isasagawa ng DOLE-NCR

101

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment-National Capital Region o DOLE-NCR na magsasagawa sila ng “Independence Day Hybrid Job Fair” sa Araw ng Kalayaan o sa darating na June 12, 2022.

Sa abiso ng DOLE-NCR, kung nasa Metro Manila ang mga jobseeker o naghahanap ng trabaho, ang face-to-face na job fair ay gagawin sa Robinsons Place sa Ermita, Maynila mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Pinapayuhan ang lahat na magdala ng maraming kopya ng resume at iba pang requirements o mga iba pang kailangan para sa pag-aapply ng trabaho.


Bukod dito, pinaalalahanan ang lahat na sumunod sa pinapairal na health protocols kontra COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face mask.

Maliban naman sa face-to-face job fair, mayroong ding virtual job fair ba gagawin ang DOLE-NCR.

Maaari naman magparehistro sa JobQuest.ph at sagutan lamang ang ilang importanteng impormasyon at katanungan.



Nauna nang sinabi ng DOLE na maliban sa Metro Manila, ang Independence Day job fair ay isasagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga trabaho na iaalok ay mula sa sektor ng manufacturing, construction, information technology o IT, business process outsourcing o BPO at iba pa.


Facebook Comments