Boston Celtics – panalo sa game-3 kontra Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference Finals

Manila, Philippines – Tinalo ng Boston Celtics ang Cleveland Cavaliers sa game-3 ng Eastern Conference Finals sa NBA.

Isang three-point buzzer beater ang pinakawalan ni Avery Bradley dahilan para pahiyain ng Boston ang Cleveland sa mismong home court nito sa score na 111-108.

Nakakuha ng 20-points si Bradley habang 27-points naman ang sa teammate nito na si Marcus Smart kung saan sinabi nila sa postgame interview, na kinailangan nilang mag-step up sa pagkawala ng guard nila na si Isaiah Thomas na nagkaroon ng hip injury.
Mapapanood naman ang game-4 sa pagitan ng dalawang teams sa Wednesday habang nanalo naman kahapon sa game-3 ang Golden State Warriors (3-0) laban sa san Antonio Spurs sa score na 120-108.
DZXL558


Facebook Comments