Milan Melindo, nasungkit ang International Boxing Federation (IBF) Junior Flyweight title matapos pabagsakin sa first round ang kalabang Japanese boxer

Manila, Philippines – Matapos ang dalawang beses na bigong pagtatangka, nasungkit na din ni Filipino Boxer Milan Melindo ang IBF Light Flyweight Belt matapos talunin si Akira Yaegashi ng Japan.
Tumagal lamang sa isang round matapos patumbahin ni Melindo si Yaegashi sa kanilang laban na ginanap sa Ariake Coliseum sa Tokyo.
Dalawang beses na napatumba ni Melindo ang Japanese defending champion hanggang matagumpay na makapasok ang 1-2 combination kung saan hindi na pinayagan ito ng referee na lumaban dahil sa hirap na itong makatayo.
Dahil sa panalo ay kabilang na si Melindo sa mga Filipino male boxing world champions na binubuo nina Jerwin Ancajas bilang IBF Junior Bantamweight, Donnie Nietes bilang IBF flyweight at Manny Pacquiao Bilang WBO Welterweight.
DZXL558

Facebook Comments