Botante sa pangasinan tumaas ayon sa COMELEC!

Sa datos ng Commission on elections pumalo na sa humigit kumulang na 1.9 milyong rehistradong botante meron ang lalawigang Pangasinan. Tumaas ito kumpara sa mga nakaraang datos ng dahil narin sa pinaigting na kampanya ng ahensya na hikayating magpa-rehistro ang mga mamamayan ng Pangasinan lalo na ang mga first time voters.

Sa nasabing datos lumalabas na nangunguna ang 3rd district na may humigit 400,000 na sinundan ng 2nd, 5th, 4th, at 6th districts na may humigit 300,000. Pinakamababa naman ang 1st district na nasa higit 200,000 na mga rehistradong botante.

Ikatlo ang lalawigan sa may pinakamaraming botante sa buong bansa kaya naman di maitatangging isa ito sa talagang dinarayo ng mga kandidato sa national positions na suyuin upang makatulong sa kanilang pagkapanalo. Binubuo ang probinsiya ng 44 municipalities at 4 cities na may sumatotal na 1364 barangays.


Facebook Comments