Boto na pumabor sa impeachment kay Sereno, hindi party decision – kongresista

Manila, Philippines – Nagpaliwanag si Deputy Minority Leader Anthony Bravo sa boto niya na pumabor sa sufficiency in form and substance ng impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon laban kay Supreme Court chief justice Ma. Lourdes Sereno.

Ayon kay Bravo, nais niya na mabigyan ng oportunidad si Sereno na mapakinggan ang kaniyang panig sa halip na sumailalim sa tinatawag na trial by publicity.

Aniya, seryoso ang mga alegasyon ng korapsyon at betrayal of public trust na na akusasyon kay Sereno na isang haligi ng sangay na hudikatura.


Nilinaw ni Bravo na hindi desisyon ng partido niya na Coop-Natcco Partylist ang kaniyang deisyon kundi isang personal na paninindigan.

Facebook Comments