Pagsasampa ng kaso laban sa 2 pulis na sangkot sa pagkamatay ni Arnaiz at De Guzman, pinaboran ng PNP

Manila, Philippines – Pabor para sa Philippine National Police ang pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman.

Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, isa itong paraan para maidepensa ng kanyang mga kabaro ang kanilang mga sarili sa korte.

Kanina, isinampa ang mga kasong double murder, planting of evidence, at paglabag sa anti-torture law laban kina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita sa Department of Justice.
Kabilang rin sa kinasuhan si Tomas Bagcal, ang taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl.


Facebook Comments