Boto ng Pilipinas pabor sa pag-iimbestiga sa Gaza, nais ipabawi ni Pangulong Duterte

Inirerekonsidera ng Pilipinas ang boto nito pabor sa pag-iimbestiga ng United Nations (UN) ukol sa war crimes na nangyari sa Israeli-Palestinian conflict sa Gaza.

Ang Pilipinas ay kasama sa 24 na bansang sumuporta sa pagbuo ng investigative committee na sisilip sa karahasang nangyari sa Gaza, kung saan nasa 200 ang namatay.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang kinatawan ng Pilipinas sa UN ay bumoto na walang pagkonsulta sa pamahalaan.


Aniya, iminungkahi ng Pangulo ang pagbawi sa nasabing boto.

Nabatid na nagpasa ng resolusyon ang UN Human Rights Council (UNHRC) para imbestigahjan ang war crimes sa 11-araw na bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Facebook Comments