Boto ng Pilipinas sa Gaza investigation, malabo nang mabawi – Palasyo

Hindi na maaaring bawiin pa ng Pilipinas ang boto nito pabor sa gagawing imbestigasyon ng United Nations (UN) ukol sa mga pang-aabusong nangyari sa Israeli-Palestinian conflict sa Gaza.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging boto ng bansa, dahil wala itong konsultasyon mula sa kanya.

Pero ang nasabing boto aniya ay hindi na pwede pang hugutin.


Kaya pinaalalahanan ng pamahalaan ang mga government officials na konsultahin muna si Pangulong Duterte bilang chief architect ng foreign policy bago gumawa ng mahahalagang boto na may kinalaman sa international issues.

Dagdag pa ni Roque na nais lamang ni Pangulong Duterte na protektahan ang interes ng bansa kaya importanteng magkaroon ng konsultasyon bago bumoto.

Sa kabila nito, tiwala ang Palasyo na mapapanatili ng Pilipinas ang magandang relasyon nito sa Israel.

Facebook Comments