Botohan para sa NBA 2021 All-Stars, magsisimula na

53
Photo Courtesy: NBA Website

Magsisimula na bukas ang botohan para sa National Basketball Association (NBA) players na maaaring maisama sa 2021 All-Stars.

Ito ay kahit wala pang petsa at kasiguraduhan ang taunang NBA All-Star Game.


Batay sa NBA, maaaring gawin ng mga fans ang kanilang pagboto sa kanilang social media sites.

Ang boto ng mga fans ay bubuo sa 50 porsyento habang ang mga boto mula sa mga manlalaro at media ay may tig-25 percent.

Ang mga manlalaro na makakakuha ng maraming boto ay iaanunsyo sa Pebrero 18.

Facebook Comments